Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol
Ang mga kapatid ay nanatili sa itinuro ng mga apostol, sa pagsasama-sama bilang magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at sa pananalangin. Dahil sa maraming himalang nagawa sa pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang magkahalong pitagan at takot. At nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, sila'y nagkakatipon sa templo, naghahati-hati ng tinapay sa kanilang tahanan, at nagsasalu-salong masaya ang kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNANR/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Ang taga-Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag,
"Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas."
Mga saserdote ng Diyos na Panginoon, bayaang magsaysay:
"Ang pag-ibig ng Diyos, walang katapusan."
Lahat ng may takot sa Panginoong Diyos, dapat magpahayag,
"Ang pag-ibig niya'y hindi magwawakas."
R/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Sinalakay ako't halos magtagumpay ang mga kaaway,
dahilan sa Poon sila'y napigilan.
Dahilan sa Poon ako'y pinalakas, at ako'y tumatag;
Siya, sa buhay ko, ang Tagapagligtas.
Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang:
"Panginoo'y siyang lakas na patnubay."

Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato'y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos,
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.

Pagbasa mula sa unang Sulat ni San Pedro
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesukristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo'y isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo. Ang bagong buhay na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking pag-asa na kakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. Ang kayamanang iya'y nakalaan sa inyo doon sa langit. Sapagkat kayo'y sumampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos samantalang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa katapusan ng mga panahon. Ito'y dapat ninyong ikagalak, bagamat maaaring magdanas muna kayo ng iba't ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang ginto, na nasisira, ay pinararaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay. Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon, kayo'y papupurihan, dadakilain, at pararangalan sa Araw na mahayag si Hesukristo. Hindi ninyo siya nakita kailanman, ngunit siya'y inibig na ninyo. Hindi pa rin ninyo siya nakikita magpahanggang ngayon, ngunit nananalig na kayo sa kanya. Dahil dito'y nag-uumapaw na sa inyong puso ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita. Sapagkat inaani na ninyo ang bunga ng inyong pananampalataya--ang inyong kaligtasan.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYAR/. Aleluya. Aleluya.
Mapalad at maligaya ang sumasampalataya
sa di nakita ng mata!
R/. Aleluya. Aleluya.
✠ Pagbasa mula sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Juan
Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. "Sumainyo ang kapayapaan!" sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, "Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo." Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad."
Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Hesus. Kaya't sinabi sa kanya ng ibang alagad, "Nakita namin ang Panginoon!" Sumagot si Tomas, "Hindi ako maniniwala hangga't di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga't hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran."
Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, "Sumainyo ang kapayapaan!" Saka sinabi kay Tomas, "Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na." Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Diyos ko!" Sinabi sa kanya ni Hesus, "Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."
Marami pang kababalaghang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito. Ang mga natala rito'y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa gayo'y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.
Ang Ebanghelyo ng Panginoon.
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol
Nagkaisa ang damdami't isipan ng lahat ng sumasampalataya at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. Ang mga apostol ay patuloy na gumagawa ng kababalaghan at nagpapatotoo sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus. At ibinuhos ng Diyos ang kanyang pagpapala sa kanilang lahat. Walang nagdarahop sa kanila, sapagkat ipinagbibili nila ang kanilang lupa o bahay, at ang pinagbilhan ay ibinibigay sa mga apostol. Ipinamamahagi naman ito ayon sa pangangailangan ng bawat isa.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNANR/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
O pasalamatan ang Diyos na Panginoon, pagkat siya'y mabuti;
ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili.
Ang taga Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag,
"Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas."
R/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Ang lakas ng Poon ang siyang nagdulot ng ating tagumpay,
sa pakikibaka sa ating kaaway.
Aking sinasabing di ako papanaw, mabubuhay ako
upang isalaysay ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.
Pinagdusa ako at pinarusahan nang labis at labis,
ngunit ang buhay ko'y di niya pinatid.
R/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato'y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos,
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod!
O kahanga-hanga ang araw na itong ang Diyos ang nagbigay,
tayo ay magalak, ating ipagdiwang!
R/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Pagbasa mula sa unang Sulat ni San Juan
Minamahal kong mga kapatid: Inaaring mga anak ng Diyos ang sumasampalatayang si Hesus ang Mesiyas; at sinumang umiibig sa ama ay umiibig din sa mga anak. Ito ang palatandaang iniibig natin ang mga anak ng Diyos: kapag iniibig natin ang Diyos at tinutupad ang kanyang mga utos, sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad ng kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos, sapagkat napagtatagumpayan ng bawat anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sino ang makapagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalatayang si Hesus ang Anak ng Diyos.
Si Hesukristo ang naparito sa sanlibutan, bininyagan sa tubig, at nagbubo ng kanyang dugo sa kanyang kamatayan -- hindi lamang bininyagan sa tubig, kundi nagbubo pa ng kanyang dugo. Ang Espiritu ang nagpapatotoo tungkol dito, sapagkat ang Espiritu ay katotohanan.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYAR/. Aleluya. Aleluya.
Mapalad at maligaya
ang sumasampalataya
sa di nakita ng mata!
R/. Aleluya. Aleluya.
✠ Pagbasa mula sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Juan
Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. "Sumainyo ang kapayapaan!" sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, "Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo." Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, "Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad."
Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Hesus. Kaya't sinabi sa kanya ng ibang alagad, "Nakita namin ang Panginoon!" Sumagot si Tomas, "Hindi ako maniniwala hangga't di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga't hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran."
Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, "Sumainyo ang kapayapaan!" Saka sinabi kay Tomas, "Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na." Sumagot si Tomas, "Panginoon ko at Diyos ko!" Sinabi sa kanya ni Hesus, "Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita."
Marami pang kababalaghang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito. Ang mga natala rito'y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa gayo'y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.
Ang Ebanghelyo ng Panginoon.
Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol
Maraming kababalaghang ginawa ang mga apostol, na pawang nasaksihan ng mga tao. Nagtitipun-tipon sa Portiko ni Solomon ang lahat ng sumasampalataya. Hindi nangahas na makisama sa kanila ang mga si sumasampalataya, gayunma’y puring-puri sila ng mga tao. Subalit parami nang parami ang lalaki at babaing nananalig sa Panginoon. Dinala sa mga lansangan ang mga maysakit at inilagay sa mga papag at mga higaan, upang pagdaan ni Pedro ay matamaan ng kanyang anino ang ilan man lamang sa kanila. At dumating din ang maraming taong buhat sa mga bayang kanugnog ng Jerusalem, dala ang kanilang mga maysakit at mga pinahihirapan ng masasamang espiritu; at silang lahat ay pinagaling.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNANR/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Ang taga-Israel, bayaang sabihi't kanilang ihayag,
"Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas."
Mga saserdote ng Diyos na Panginoon, bayaang magsaysay:
"Ang pag-ibig ng Diyos, walang katapusan."
Lahat ng may takot sa Panginoong Diyos, dapat magpahayag,
"Ang pag-ibig niya'y hindi magwawakas."
R/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Sinalakay ako't halos magtagumpay ang mga kaaway,
dahilan sa Poon sila'y napigilan.
Dahilan sa Poon ako'y pinalakas, at ako'y tumatag;
Siya, sa buhay ko, ang Tagapagligtas.
Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng mga hinirang:
"Panginoo'y siyang lakas na patnubay."
R/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,
sa lahat ng bato'y higit na mahusay.
Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos,
kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod.
R/. Butihing Poo'y purihin, pag-ibig n'ya'y walang maliw.
o:
R/. Aleluya.
Pagbasa mula sa Aklat ng Pahayag
Ako'y si Juan, ang inyong kapatid na kasama ninyo sa paghihirap, paghahari, at pagtitiis, dahil sa pakikipag-isa kay Hesus. Itinapon ako sa pulo ng Patmos sapagkat ipinangaral ko ang salita ng Diyos at ang katotohanang inihayag ni Hesus. Noo'y araw ng Panginoon. Kinasihan ako ng Espiritu, at narinig ko mula sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang tunog ng trompeta. Ang sabi: "Isulat mo ang iyong nakikita." Lumingon ako upang tingnan ang nagsasalita, at nakakita ako ng pitong ilawang ginto. Nakatayo sa gitna ng mga ito ang isang animo'y lalaki, nakadamit nang abut-sakong, at may pamigkis na ginto sa kanyang dibdib.
Pagkakita ko sa kanya, para akong patay na nalugmok sa paanan niya. Ngunit ipinatong niya sa akin ang kanyang kanang kamay, at sinabi: "Huwag kang matakot! Ako ang Simula at ang Wakas, at ang Nabubuhay! Namatay ako ngunit masdan mo, ako'y buhay ngayon at mananatiling buhay magpakailanman. Nasa ilalim ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Kaya't isulat mo ang iyong nakikita, ang nangyayari ngayon at ang mangyayari pa."