ANG PAGBIBINYAG SA PANGINOON

Antipona sa Pagpasok
Mt 3, 16-17
Nang si Hesus ay binyagan nabuksan ang kalangitan at ang Espiritung Banal ay lumapag sa ulunan kalapati'y anyong taglay. Nagsalita ang Diyos Ama, "Narito ang sinisinta, ginigiliw ko tuwina. Ikinalulugod siya ng puso ko't kaluluwa."

Panalangin Pagkatipunan
Ama naming makapangyarihan, nagpakita bilang taong katulad namin ang iyong Anak. Sa pamamagitan niyang naging aming kawangis, kami nawa'y maging kanyang kaparis kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
TAON A (Leksiyonaryo: 21)
UNANG PAGBASA
Is 42, 1-4. 6-7

Pagbasa mula sa Aklat ni propeta Isaias

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Awit 28, 1-2. 3-4. 3b at 9b-10 (o Is 12, 2-3. 4bkd. 5-6)

IKALAWANG PAGBASA
Gawa 10, 34-38 (o 1 Jn 5: 1-9)

Pagbasa mula sa Gawa ng Mga Apostol

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mt 9, 6 (o Jn 1, 29)

R/. Aleluya. Aleluya.
R/. Aleluya. Aleluya.

EBANGHELYO
Mc 1, 7-11 (o Mt 3, 13-17)

Pagbasa mula sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Marcos

Ang Ebanghelyo ng Panginoon.

TAON B (Leksiyonaryo: 21)
UNANG PAGBASA
Is 42, 1-4. 6-7 (o Is 55, 1-11)

Pagbasa mula sa Aklat ni propeta Isaias

Sinabi ng Panginoon, "Ito ang lingkod ko na aking itataas, na aking pinili at kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at sa mga bansa ay siya ang magpapairal ng katarungan. Mahinahon at banayad kung siya'y magsalita, ni hindi magtataas ng kanyang tinig. Ang marupok na tambo'y hindi babaliin, ilaw na aandapandap di n'ya papatayin, at ang katarungan ang paiiralin. Di siya mawawalan ng pag-asa ni masisiraan ng loob, paghahariin niya ang katarungan sa daigdig. Ang mga bansa sa malayo ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo.

"Akong Panginoon, tumawag sa iyo, binigyan kita ng kapangyarihan upang pairalin ang katarungan sa daigdig. Sa pamamagitan mo ay gagawa ako ng pakikipagtipan sa lahat ng tao at magdadala ng liwanag sa lahat ng bansa. Ikaw ang magpapadilat sa mga bulag at magpapalaya sa mga bilanggo ng kadiliman."

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Awit 28, 1-2. 3-4. 3b at 9b-10

R/. Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng Poong mahal.

Purihin ang Panginoon ninyong banal na nilalang,
pagka't siya ay dakila't marangal ang kanyang ngalan;
ang Poon ay dakilain, purihin ang Diyos na Banal,
yumuko ang bawat isa kapag siya ay dumatal.

R/. Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng Poong mahal.

Sa gitna ng karagatan tinig niya'y naririnig.
Sa laot ng karagata'y hindi ito nalilingid.
Pag nangusap na ang Poon, tinig niya'y ubod-lakas,
ngunit tinig-kamahalan, kapag siya'y nangungusap.

R/. Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng Poong mahal.

Ang tinig ng dakilang Diyos, parang kulog na malakas,
kaya't mga nasa templo'y sumisigaw, nagagalak,
"Panginoo'y papurihan!" ganito ang binibigkas
siya rin ang naghahari sa dagat na kalaliman,
namumuno siya roon bilang hari, walang hanggan.

R/. Basbas ng kapayapaa'y sa bayan ng Poong mahal.

IKALAWANG PAGBASA
Gawa 10, 34–38

Pagbasa mula sa Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, nagsalita si Pedro, "Ngayon ko lubusang natanto na walang itinatangi ang Diyos. Nalulugod siya sa sinumang may takot sa kanya at gumagawa ng matuwid, kahit saang bansa. Ibinigay ng Diyos ang kayang salita sa mga Israelita. Sa kanila niya ipinahayag ang Mabuting Balita tungkol sa pakikipagkasundo sa pamamagitan ni Hesukristo. Nguni't siya'y Panginoon ng lahat! Alam ninyo ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko'y tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo."

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mt 9, 6

R/. Aleluya. Aleluya.
Nagsalita ang D'yos Ama:
"Ang Anak kong sinisinta ay narito,
dinggin n'yo s'ya!"
R/. Aleluya. Aleluya.

EBANGHELYO
Mc 1, 7-11

Pagbasa mula sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon: sinasabi ni Juan Bautusta sa kanyang pangangaral: "Darating na kasunod ko ng isang makapangyarihan kaysa akin: ni hindi ako karapatdapat magkalag ng tali ng kanyang mga panyapak. Binibinyagan ko kayo sa tubig, ngunit bibinyagan niya kayo ng Espiritu Santo." Hindi nagluwat, dumating si Hesus mula sa Nazaret, Galilea at siya'y bininyagan ni Juan sa Ilog Jordan. Pagkaahung-pagkaahon ni Hesus sa tubig ay nakita niyang nabuksan ang kalangitan, at bumaba sa kanya ang Espiritu na gaya ng isang kalapati. At isang tinig ang nagmula sa langit: "Ikaw ang minamahal kong Anak, lubos kitang kinalulugdan."

Ang Ebanghelyo ng Panginoon.

TAON K (Leksiyonaryo: 21)
UNANG PAGBASA
Is 40, 1-5. 9-11

Pagbasa mula sa Aklat ni propeta Isaias

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Awit 103, 1b-2. 3-4. 24-25. 27-28. 29b-30

IKALAWANG PAGBASA
Tito 2, 11-14; 3, 4-7

Pagbasa mula sa Sulat ni San Pablo kay Tito

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Lc 3, 16

R/. Aleluya. Aleluya.
R/. Aleluya. Aleluya.

EBANGHELYO
Lc 3, 15-16. 21-22

Pagbasa mula sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Lucas

Ang Ebanghelyo ng Panginoon.

Panalangin ukol sa Handog
Ama naming Lumikha, ngayong ipinagdiriwang ang pagpapahayag ng iyong kinalulugdang Anak tanggapin mo ang aming mga alay upang ito ay maging paghahain ng kanyang mahabaging paghuhugas sa kasalanan namin sapagka't siya'y kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Antipona sa Komunyon
Jn 1, 32. 34
Dito ay matatagpuan ang patotoo ni Juan kanyang pinatotohanan ang Anak ng Amang mahal na Panginoong Maykapal.

Panalangin Pagkakomunyon
Ama naming mapagmahal, kaming iyong pinapakinabang ay maging mga anak mo nawa sa turing at sa katotohanan sa matapat naming pakikinig sa iyong Anak na aming Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.