Pagbasa mula sa Aklat ni propeta Isaias
Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem: Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ng Panginoon ay namumukod sa taas sa lahat ng bundok. Daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. Ang maraming taong lalapit sa kanya ay magsasabi ng ganito: "Halikayo, umahon tayo sa bundok ng Panginoon, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang malaman natin ang kanyang mga daan at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas. Sapagkat sa Sion magmumula ang Kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ng Panginoon." Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng kapayapaan. Kung magkagayun, gagawin na nilang sudsod ang kanilang mga tabak, at karit ang kanilang mga sibat. Wala nang magsasanay sa pakikibaka at mawawala na ang mga digmaan. Halina kayo, sambahayan ni Jacob, at tayo'y lumakad sa liwanag ng Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNANR/. Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
"Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!"
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.
R/. Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ni Israel upang magsambahan,
ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,
'pagkat ito'y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.
R/. Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
Ang kapayapaan nitong Jerusalem,
sikaping sa Poon yao'y idalangin:
"Ang nangagmamahal sa 'yo'y pagpalain.
Pumayapa nawa ang banal na bayan,
at ang palasyo mo ay maging tiwasay."
R/. Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
Dahilan sa aking kasama't katoto,
sa 'yo Jerusalem, ang sabi ko'y ito:
"Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.
Dahilan sa templo ng Poong ating D'yos,
ang aking dalangi'y umunlad kang lubos."
R/. Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D'yos.
IKALAWANG PAGBASAPagbasa mula sa Sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid: Alam ninyong panahon na upang gumising kayo sa pagkakatulog. Ang pagliligtas sa atin ay higit na malapit ngayon kaysa noong tayo'y magsimulang manalig sa kanya. Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag. Layuan na natin ang lahat ng gawang masama at italaga ang sarili sa paggawa ng mabuti. Mamuhay tayo nang marangal at huwag gugulin ang panahon sa paglalasing at magulong pagsasaya, sa pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang Panginoong Hesukristo ang paghariin ninyo sa inyong mga buhay at huwag paglaanan ang laman upang bigyang-kasiyahan ang mga nasa nito.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYAR/. Aleluya. Aleluya.
Pag-ibig mo'y ipakita,
lingapin kami tuwina
iligtas kami sa dusa!
R/. Aleluya. Aleluya.
✠ Pagbasa mula sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Ang pagdating ng Anak ng Tao ay matutulad sa pagdating ng baha noong panahon ni Noe. Noon, ang mga tao'y nagsisikain, nagsisiinom at nag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe. Dumating ang baha di nila namalayan at tinangay silang lahat. Gayun din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao. Sa panahong iyon, may dalawang babaing magkasamang gumigiling; kukunin ang isa at iiwan ang isa. Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siya'y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan."
Ang Ebanghelyo ng Panginoon.
Pagbasa mula sa Aklat ni propeta Isaias
Ikaw lamang, Panginoon, ang aming pag-asa't Amang aasahan; tanging ikaw lamng yaong nagliligtas nitong aming buhay. Bakit ba, Panginoon, kami'y tinulutang maligaw ng landas, at ang puso nami'y iyong binayaan na maging matigas? Balikan mo kami, iyong kaawaan, ang mga lingkod mo na tanging iyo lamang. Buksan mo ang langit at ika'y bumaba sa mundong ibabaw, at ang mga bundok kapag nakita ka'y magsisipangatal. Wala pang narinig na Diyos na tulad mo, wala pang nakita ang sinumang tao; pagkat ikaw lamang ang Diyos na tumulong sa mga lingkod mo na buong tiwalang nanalig sa iyo. Iyong tinatanggap, ang nagsisikap sa mabuting gawa, at ang iyong aral at mga tuntunin ang ginugunita. Nagagalit ka na'y tuloy pa rin kami sa pagkakasala, ang ginawa nami'y talagang masama buhat pa nang una. Ang lahat sa ami'y pawang nagkasala, ang aming katulad kahit anong gawin ay duming di hamak. Ang nakakawangki ng sinapit nami'y mga dahong lagas, sa simoy ng hangi'y tinatangay ito at ipinapadpad. Wala kahit isang dumulog sa iyo upang dumalangin, wala kahit isang lumapit sa iyo na tulong ay hingin; kaya naman dahil sa aming sala'y hindi mo kami pinansin. Gayunman, Panginoon, aming nalalamang ika'y aming Ama, kami'y parang luwad at ikaw ang magpapalayok. Ikaw ang lumikha sa amin, Panginoon, at wala nang iba.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNANR/. Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami't tanglawan.
Pastol ng Israel, kami ay pakinggan;
mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay tulungan.
Sa taglay mong takas, kami ay iligtas, at tubusin sa hirap!
R/. Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami't tanglawan.
Ika'y manumbalik,
O Diyos na Dakila! Pagmasdan mo kami mula sa itaas,
at ang punong ito'y muling pagyamanin, at iyong iligtas.
Lumapit ka sana,
ang puno ng ubas na itinanim mo ay iyong iligtas,
Yaong punong iyon na pinalago mo’t iyong pinalakas!
R/. Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami't tanglawan.
Ang lingkod mong mahal
ay iyong ingatan, yamang hinirang mo ay iyong ipagsanggalang,
Iyong palakasin bilang isang bansang makapangyarihan!
At kung magkagayon,
magbabalik kami't di na magtataksil sa 'yo kailanman,
kami'y pasiglahi't aming pupurihin ang iyong pangalan.
R/. Akitin mo, Poong mahal, iligtas kami't tanglawan.
IKALAWANG PAGBASAPagbasa mula sa unang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto
Mga kapatid: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.
Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayo'y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupa't hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayo'y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayo'y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYAR/. Aleluya. Aleluya.
Pag-ibig mo'y ipakita,
lingapin kami tuwina
iligtas kami sa dusa!
R/. Aleluya. Aleluya.
✠ Pagbasa mula sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Marcos
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: "Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang oras. Katulad nito'y isang taong umalis upang maglakbay sa malayong lupain: ipinababahala ang kanyang tahanan sa mga alipin na binigyan ng kanya-kanyang gawain, at inuutusan ang bantay pinto na maging laging handa sa kanyang pagdating. Gayun din naman, maging handa kayong lagi, sapagkat hindi ninyo alam kung kailan darating ang puno ng sambahayan -- maaaring sa pagdilim, sa hatinggabi, sa madaling-araw, o kaya'y sa umaga -- baka sa kanyang biglang pagdating ay maratnan kayong natutulog. Ang sinasabi ko sa inyo'y sinasabi ko sa lahat: Maging handa kayo!"
Ang Ebanghelyo ng Panginoon.
Pagbasa mula sa Aklat ni propeta Jeremias
TEXT
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNANR/. VERSE.
TEXT
TEXT
TEXT
TEXT
TEXT
R/. VERSE.
IKALAWANG PAGBASAPagbasa mula sa unang Sulat ni San Pablo sa mga taga-Tesalonica
TEXT
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYAR/. Aleluya. Aleluya.
Pag-ibig mo'y ipakita, lingapin kami tuwina
iligtas kami sa dusa!
R/. Aleluya. Aleluya.
✠ Pagbasa mula sa banal na Ebanghelyo ayon kay San Lucas
TEXT
Ang Ebanghelyo ng Panginoon.